Mapalad Pa Rin ang mga Pinoy Bloggers!
Marahil ay hindi na bago sa inyong pandinig ang kaliwa’t kanang balita hinggil sa pagsususpinde ng MTRCB sa iba’t ibang palabas sa telebisyon at sa mga sinehan. Masyadong malawak ang kapangyarihan ng nasabing ahensya. Kabilang sa mga trabaho nito ay ang sumusunod:
1. Pag-aastang “psychologist at sociologist”. Mayroong pagkakataon na ang MTRCB ay umaastang psychologist at sociologist sa pagbibigay ng kanilang rationale kung bakit ang isang programa ay nasuspinde. Halimbawa na lamang ay noong kanilang suspindihin ang The Correspondents ng ABS-CBN. Ang segment ng The Correspondents tungkol sa ipinagbabawal na gamot ay nagpakita ng mga karakter na gumamit nito. Nauunawaan ko kung bakit at paanong ito ay kinakailangan o mahalaga sa pagbabalita. Gayumpaman, para sa MTRCB ipinapakita ng nasabing palabas at ng istasyon na “that smoking marijuana is an enjoyable activity … sending a strong message that [it’s] okay.â€? (Source: TirzoBlog ) Unacceptable!
2. Pagiging Fashion Police. Hindi lingid sa inyong kaalaman na ang MTRCB ay isang ahensyang mayroong makitid na pag-iisip hinggil sa Fashion. Wala silang appreciation sa mga “skimpy” o “revealing” clothing, costume or dresses. At, kapag hindi sinasadya o aksidenteng nagkaroon ng “malfunction” ang wardrobe o di kaya ay mahubo o mahubad o maexpose ang isang bahagi ng dancer, walang paki alam ang MTRCB. Ipatutupad na nito ang kaniyang SUSPENSION galore. 3 days, 4 days, 1 week or 20 days. Discretion na nila, dahil sila ang “Big Brother” pagdating sa Fashion and Suspension. (Source: Asian Journal ) Intolerable!
3. Pag-akto bilang “GMRC and Values Teacher”. Opo, ang MTRCB ay umaasta rin bilang Good Moral and Right Conduct teacher, bukod pa sa pagiging Values educator. Ito ang kanilang ginawa noong sinuspindi nila ang premyadong documentary program na I-Witness ng GMA7. “The controversial episode, aired in May 2006, featured the women of Kalayaan, Laguna who perform a nearly 200-year old ritual that consists of playfully parading and displaying wooden phalluses (penis) during weddings. The ritual celebrates marriage and binds communities” (Source: Philippine Center For Investigative Journalism ) Unbelievable!
4. Pagsisilbi bilang isang “Religious Check Point”. Sinong may gusto sa Ang Dating Daan ni Bro. Eli. Well, hindi ako yon tiyak ko. Asar ako sa mukha at sa bibig ni Soriano. Gigil ako sa boses pa lamang niya at sa animo’y pagpapanggap niya o pagpapakitang tao niya sa harap ng camera. But then again, mayroon siyang karapatan sa kalayaan sa pamamahayag at protektado ng konstitusyon ang kaniyang ginagawa lalo pa at dapat ay hiwalay ang Estado at ang Relihiyon. Hindi ko maintindihan kung bakit pati ang ANG DATING DAAN ay pinakikialaman ng MTRCB. Sila na ba ang susunod na tagapag screen ng mga religious content sa tv? (Source: Ang Dating Daan ). Naaalala nyo rin ba noong bigyan ng MTRCB ang R-18 ang the Da Vinci Code, parang prinoprotektahan ng MTRCB ang interest ng Catholic Church! Eh ano, kung makita ito ng mga bata? Unbearable!
5. Pagiging Animo’y Kalaban ng Sex Educators. Mayroong pagkakataon na ang MTRCB ay nagsuspinde ng show dahil ang nilalaman nito ay “educational materials” na nagkataong “sex education”. Sa dahilang ito, ang “Sis” isang show sa GMA7 ay nasuspinde dahil sa kanilang “Anghang ng Bedroom Talk, Patok na Patok,” aired April 30, which tackled “marital topics” such as “frequency of sex, who initiates sex, how to have sex with children around.” (Source: MTRCB chides networks for prime-time violations)! Unbelievable!
6. Time Manager or Schedule. Ang MTRCB din ay may panuntunan kung kailan ang isang show ay dapat ipalabas o ang paksa ay dapat mapag-usapan. Sa parehong show na nabanggit sa taas, ayon sa MTRCB ang paksa ay “too sensitive for the time slot”. (Source: MTRCB chides networks for prime-time violations)! Talaga nga naman!
Pasensya na at muntikan kong makalimutan na guest blogger lamang ako at hindi talaga ang may-ari ng blog na ito. Nawa ay naibahagi ko ang nais kong sabihin. Gayumpaman, mapalad pa rin tayong mga bloggers na hindi tayo saklaw ng huwad na kapangyarihan ng MTRCB. Ano na lamang ang magiging hitsura ng Pinoy Blogs kung sakop tayo ng mga kampon ni LaGuardia.
Pinagtataka ko lamang, sa lakas ng kapangyarihan ng Media, na masasabing talagang tagapag udyok sa mga manonood ng mga damdamin at paniniwala, bakit hindi nila kalabanin ang MTRCB. Hindi ba’t tama na at sobra na? Ibasura ang mga tunay na basura!
When the Nazis came for the communists, I remained silent; I was not a communist.
When they locked up the social democrats, I remained silent; I was not a social democrat.
When they came for the trade unionists, I did not speak out; I was not a trade unionist.
When they came for me, there was no one left to speak out.
— Martin Niemöller
***
Si Isagani X ay ang blogger sa likod ng Isagani X, Medical Assistant at ng Sa Wari Ko. He is an advocate of freedom of speech and firmly believes that MTRCB should be abolished!
Share this post:digg it|kick it|Email it|bookmark it|reddit|liveIt
- Tags:
Popularity: 22%

This work, unless otherwise expressly stated, is licensed under a Creative Commons Attribution-No Derivative Works 3.0 License.
View blog reactions






























12 Responses to “Mapalad Pa Rin ang mga Pinoy Bloggers!”
By Steel on Aug 11, 2007 | Reply
Good thing the MTRCB has...
Wops. Tagalog post.
Buti na lang hindi naisipan ng MTRCB na i-extend and powers nila online. Kundi lagot ang mga katulad namin sa The Man Blog pati na si keysi nunez.
Nga pala, Ninang ni keysi nunez si Consolisa Laguardia.
By Isagani X on Aug 11, 2007 | Reply
Are you for real?
By Skye on Aug 11, 2007 | Reply
Nahirapan akong basahin ang post mo... at the same time, I'm having a hard time writing in Tagalog. lol Hard for me to write and read in Tagalog. Argh.
Anyway, I hate the restrictions we have just because we live in this country. Why can't our politicians cut us some slack. I actually think that they have no right to diminish our wants, thoughts, feelings, and appreciation all for the sake of their self-proclaimed norms. Stupidity.
By Isagani X on Aug 13, 2007 | Reply
Ganyan talaga!
By keysi on Aug 14, 2007 | Reply
Steel wrote:
Ungas ka talaga Steel. LOL. Wala pong katotohanan ang pinagsasasabi nitong tao ito. walang basehan at pawang kasinungalingan lamang. Ang maniwala po ay pangit.
By Karlo.PinoyBlogero on Aug 22, 2007 | Reply
Hi there! I see that you will be attending the second Taste Asia event tomorrow. Hope to see you there! Happy blogging!
By redkitchengi on Jul 23, 2008 | Reply
watch boy frog white all usa no