Mapalad Pa Rin ang mga Pinoy Bloggers!
Thursday, August 9th, 2007 | 917 ViewsMarahil ay hindi na bago sa inyong pandinig ang kaliwa’t kanang balita hinggil sa pagsususpinde ng MTRCB sa iba’t ibang palabas sa telebisyon at sa mga sinehan. Masyadong malawak ang kapangyarihan ng nasabing ahensya. Kabilang sa mga trabaho nito ay ang sumusunod:
1. Pag-aastang “psychologist at sociologist”. Mayroong pagkakataon na ang MTRCB ay umaastang psychologist at sociologist sa pagbibigay ng kanilang rationale kung bakit ang isang programa ay nasuspinde. Halimbawa na lamang ay noong kanilang suspindihin ang The Correspondents ng ABS-CBN. Ang segment ng The Correspondents tungkol sa ipinagbabawal na gamot ay nagpakita ng mga karakter na gumamit nito. Nauunawaan ko kung bakit at paanong ito ay kinakailangan o mahalaga sa pagbabalita. Gayumpaman, para sa MTRCB ipinapakita ng nasabing palabas at ng istasyon na “that smoking marijuana is an enjoyable activity … sending a strong message that [it’s] okay.â€? (Source: TirzoBlog ) Unacceptable!
2. Pagiging Fashion Police. Hindi lingid sa inyong kaalaman na ang MTRCB ay isang ahensyang mayroong makitid na pag-iisip hinggil sa Fashion. Wala silang appreciation sa mga “skimpy” o “revealing” clothing, costume or dresses. At, kapag hindi sinasadya o aksidenteng nagkaroon ng “malfunction” ang wardrobe o di kaya ay mahubo o mahubad o maexpose ang isang bahagi ng dancer, walang paki alam ang MTRCB. Ipatutupad na nito ang kaniyang SUSPENSION galore. 3 days, 4 days, 1 week or 20 days. Discretion na nila, dahil sila ang “Big Brother” pagdating sa Fashion and Suspension. (Source: Asian Journal ) Intolerable! (more…)
- Tags:
Popularity: 22%



